Ipinapakilala ang Themes para sa Pro sites!
Isang Bagong Paraan para Pamahalaan ang Graphic Customizations
Dati, kailangan mong i-save ang mga napili mong kulay sa Color Sets, mga font sa Font Sets, at iba pa...
Ngayon maaari mong i-save ang lahat ng graphic customizations ng isang Pro site sa iisang maginhawang lugar: isang Theme
Paano Magsimulang Gumamit ng Themes
• I-click ang Brush icon sa itaas na toolbar para buksan ang Graphic Customizations panel.
• I-edit ang kahit anong aspeto ng iyong site – kulay, hugis, font – at i-save ang mga pagbabago bilang bagong theme.
• Maaari ka ring magsimula sa pagbubukas ng "Themes" tab at i-edit ang "New" theme.
Paano I-edit ang Themes
Tuwing nag-e-edit ka ng elemento sa Graphic Customization panel, maaari mong i-save ang pagbabago sa iyong Current Theme, o gumawa ng New Theme.
Maaari mo ring piliin ang anumang elemento mula sa anumang naka-save na theme – font, kulay, hugis – at i-save ito nang direkta sa kasalukuyang aktibong Theme.
Mas Mabilis na Pamamahala ng Maramihang Site
Lumalabas ang tunay na kapakinabangan ng Themes kapag mayroong kang ilang site, dahil maaari mong gamitin ang paborito mong theme sa higit sa isang site, bigyan ang bawat site ng sarili nitong theme, at mabilis na palitan ang mga ito.
Buksan ang iyong Pro site, tuklasin ang Themes, at ibahagi sa amin ang iyong puna. Tulad ng dati, ikalulugod naming marinig ang iyong mga saloobin.